I was going through my running notes and I’ve realized that this is the first time I’ve pace for somebody in an actual race and ran the race side by side with someone from start to finish. The feeling was amazing ! ganun pala yun. I’ve paced for my friends but only on our practice runs. Magaan pala sa pakiramdam at kahit pa may mga bagay bagay na pwedeng makapagpabadtrip sayo sa takbo (gaya ng pagkaubos ng baso at inumin for you pagdating sa hydration station) queber lang, enjoy pa din. So I texted him and kid about it.
Ikaw pala ang first ko, ito pala yung first time kong mag pace at ma experience na tumakbo ng may kasabay from start to finish…(hahaha, panu ba yan,yung mga first daw never dies) nyek! E bakit may mga first ako na limot ko na? tignan natin…mahirap kasi pag ganun, baka hindi mo na maappreciate yung mga dadating pa at next runs.
natuwa talaga ako sa run natin kanina. The best. Di ko naramdaman yung pagod. Ngayon ko lang naramdaman yung sakit, buong legs ko. (I would not apologize for that ha kasi part talaga yan…that’s why we train. Ang tanong, will you still run in spite of the pain? knowing that this is what you have to go through.)
Honestly, pati yung pain na eenjoy ko rin talaga. Ang sarap sarap. (weird mo friend! Di ko magets…hahaha.ano, masokista?)
Pero actually ganun din yung pakiramdam ko-masakit na masarap, when I ran my 1st and 2nd 10km. paano ba naman magkasunod na araw yun, inulan yung una na sunset run pa, then trail run naman yung pangalawa na we’re up na after a few hours (as in after 2-3 hours) of sleep kasi we have to leave Fort at 3am going to Nuvali. The following day ko na naramdaman yung sakit. 3 days akong sinisinat at iika ika nun pero sobrang saya ko kahit nahihirapan ako hahaha.na nagawa ko yun.na kaya ko pala! (exact word) massage lang, alaxan FR at stretching,mawawala din yan.
Naisip ko how similar some experiences could be when you’re running, when you’re in love, and when you deal with heartaches.
In running, you warm up and prep up. Then after sometime you join a race or a marathon, finish it and gets your certificate of finish, a finishers medal and your freebies. Along the run, may uphill at downhill, steep na slope, baku-bakong daan, patag, magagandang tanawin sa palid, mga nakakalitong ruta. Minsan gawa ng kulang na training or oxygen sa sytema, nakakabigat ng katawan, ng dibdib, o pwedeng ma experience ang side stitch at injury gaya ng twist at cramps or arch problem.
Pag in-love ka, you go through the rigorous regimen of prepping up for a date. You go out and later on, kayo na. (Yes! Sa wakas!) Within the course of the relationship, may mga times na masaya, di pagkakaunawaan, may highs & lows, may mga pagsubok na dadaanan na pwedeng mapagtagumpayan at maalpasan o kaya naman makapagdulot ng sugat sa puso.
Sa UP Diliman, may tinatawag na heartbreak hill, sa Corregidor naman may dinadaanang halos 70+ degrees na slope. Sinusubok nito hindi lang ang physical na aspeto ng isang mananakbo kundni maging ang kayang mental na kapasidad na manatili sa pagtakbo. Pwede kang tumuloy, kahit pagud-na pagod ka na at hingal na hingal ka na o kung nanaisin mo naman eh huminto na lang.
Sa relationship, may mga ganitong point din. Minsan nga hindi lang nag physical na aspeto ng pagkatao mo ang sinusubok (puyatan, lakaran), pati yung mga pinaniniwalaan mo at isip mo (kung magyi-yield ka ba sa gusto n’ya or you’ll stood your ground), lahat lahat sa iyo (oo, pati finances mo).Pag nasaktan ka o napagod pwede kang magpatuloy (by then ipagtatayo ka na ng rebulto at tatawaging martir o tanga) o kung ayaw mo na, tigil na, hanggang dun na lang, tapos na.
Ganun pa man, sino ba naming sa atin ang hindi kinilig sa first love? (^_^). Akala mo nun, yun nay un only to find out after some season na gaya ng maraming kuwentong narinig at napanuod, magkakahiwalay din kayo. Some are just meant to be the first but that doesn’t necessarily mean that they’ll be the last. Sabin ng iba, First love never dies daw. Not always true. Ako nga maraming first na limot na. Hindi naman kasi lahat ng first may impact. Saka parang ang hirap nun kung yung first mo never dies. Paano pag hindi na nga nag work? Paano ka maka pag move on?
Ganun din sa pagtakbo. Excited ka but after joining a number of races you get to see what a good running event and yung mga disappointing. There will be trails, race route and marathon that leaves an impact to you and those na wala lang. If you keep on dwelling on the negative points of the event, you’ll realized as well na you’re only keeping yourself from appreciating other aspects of the race or in the future, kung yung mga positive naman,baka mahirapan kang maka appreciate ng future race kasi you always have this comparison at the back of your mind (unfair).
Kung dumating ang time ng heartache…you have the choice to keep on loving or to succumb into oblivion and melancholy. Just remember that help could be just around the corner though, like the following ones:
Massage= people who helps you through the experience you’re going through
Alaxan FR= quick fix gaya ng mga activities na makakapag divert say o (i.e., running, learning arts and crafts, boxing or any other physical and violent sports (hehehe), out of town trip, magpakasubsob sa work o kumain ng kumain)
Stretching= always stretch yourself to other people, na makaramdam at maki mingle…go through a time of mending by associating. Eventually, you’ll gain back yung pace mo sa life at mag normalize din ang lahat (in running, it could be your breathing, BP, cholestrerol, brain chemicals, etc.)
At the end of it all, be it in marathon or loving, everything is personal and is up to YOU. You are still the one accountable for your own progress and growth as a runner, as a lover as a person. YOU are in charge and still, the one who will make the decision on which way to go.
(01/09/2011)
No comments:
Post a Comment